Lunes, Disyembre 12, 2016

Mas Masadya sa Captivating Capiz!

Mas Masadya sa Captivating Capiz!

Halina't bisitahin ang isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas, ang probinsya ng Capiz!

  Saan ba matatagpuan ang Capiz?

  Ang Capiz ay isang unang klaseng lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Lungsod ng Roxas ang kabisera nito at matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng pulo ng Panay at pinapaligiran ng Aklan at Antique sa kanluran, at Iloilo sa timog. Nakaharap ang Capiz sa Dagat Sibuyan sa hilaga.
  Binubuo ito ng 16 na munisipalidad, 473 na barangay, at dalawang distrito.
Location in the Philippines
  Ayon sa kasaysayan, ang Isla ng Panay ang pangalawang lugar na narating ng mga dayuhang Espanyol dito sa Pilipinas, noong taong 1566, pagkatapos nilang marating ang Cebu. Una nilang narating dito ang Ilog Banica. Sinasabing dati itong pinamumugaran ng mga buwaya. Tinawag naman itong "Panay" ng mga dayuhang Espanyol, na ang ibig sabihin ay "bunganga ng ilog".

  ↣Bakit tinawag na Capiz?

  Ang pangalang "Capiz" ay hango sa salitang "Kapris" na tumutukoy sa natatanging uri ng oyster shell na matatgpuan dito. Dahil sa kakaibang katangian ng balat, ang Capiz shells ay ginagamit sa paggawa ng bintana, at iba pang klaseng palamuti sa bahay. Ginangawa din tiong palamuti sa katawan. Ginagamit din itong materyales sa paggawa ng parol. Ang mga produktong ito ay tanyag, di lamang sa bansa, kundi sa iba pang panig ng mundo.

Image result for capiz shells

 

Image result for capiz shells
Ito ang isang larawan ng bintanang gawa sa Capiz shells

  ↣Anong masarap na pagkain dito?

  Sikat ang Capiz dahil binansagan itong Seafood Capital of the Philippines. Pinatutunayan ito ng samo't saring pagkaing-dagat na karamihan ay dito lamang matitikman. Kaya naman ito ay pang-15 sa listahan ng mga lugar sa Pilipinas na pinakamadalas bisitahin ng mga turista.
  Sa Baybay Beach sa Roxas City, matatagpuan ang People's Park Plaza, kung saan sikat ang kasabihang "Turo mo, luto ko." Lulutuin ang pagkaing nais mo, mismo sa harap mo. Mayroong pitong kainan na nakahilera dito.
  Garantisadong masarap ang pagkaing-dagat dito dahil ito ay laging sariwa. Bukod pa diyan, makakapag-food trip ka dito sa abot-kayang halaga. 

Image result for baybay beach peoples park plaza capiz
Seafood Court
  Maraming pagkaing pwedeng pagpilian, kabilang na dito ang pinakuluan o inihaw na talaba, sugpo, alimango, hipon, seafood pasta, at ang diwal at kagaycay, na parehong dito lamang sa Capiz matitikman.

Image result for baybay beach peoples park plaza capiz
ilan sa mga matitikmang pagkain dito
  Ang angel wings o mas kilala sa Capiz bilang "diwal" ay isang uri ng shellfish na dito lamang matatagpuan. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit binansagan ang probinsyang ito bilang Seafood Capital of the Philippines. Sinasabi ng karamihan na ito ay mas masarap kaysa sa talaba, dahil sa kakaibang lasa nito. Ito ay manamis-namis, medyo maalat, ngunit malinamnam.

Image result for diwal
diwal
  Ang "kagaycay" naman ay malinamnam rin at pinangsasahog sa pasta at sotanghon.
  Ilan sa mga sikat ditong kainan ay ang San Antonio Beach Resort, Marc's, Panulce Bakeshop, Tracy's Bakeshop, RML Manukan House, Nesta's, Dragon Palace, at Pizza Junction. Sa mga kainang ito ay hindi lang pagkaing-dagat ang matitikman, kundi ay masarap na barbekyu, pizza, at iba't ibang klaseng panghimagas. Dito rin nanggaling ang tanyag sa buong bansa na Mang Inasal.

  ↣Meron bang magagandang tanawin dito?

  Siyempre!
  Habang nagfu-food trip ay mapagmamasdan mo napakagandang Baybay Beach. Asul na tubig, kulay-abong buhangin, at matatanaw ang Isla ng Sibuyan.

Image result for baybay beach capiz
Baybay Beach
  Bukod pa rito ay malalanghap ang sariwang hangin sa paligid, at ang mga tao ay mababait at palakaibigan.
  Isa din sa mga likas na tanawing dinadayo ng mga turista dito sa Capiz ay ang Suhot Cave at Natural Spring Resort sa Barangay Dolores sa Dumalag, at ang Hinulugan Falls sa Barangay Tabun-acan sa Pilar.

Image result for suhot cave dumalag capiz
papasok sa Suhot Cave
 
Image result for hinulugan falls pilar capiz
Hinulugan Falls

  Ano pa ang mga di dapat palampasin sa Capiz?

  Marami pa!
  Bukod sa kilala ito sa likas na yaman tulad ng mga lamang dagat, kilala din ang Capiz sa mga makasaysayang lugar dito. Ito ay higit rin na dinadayo ng mga debotong Katoliko.
  Kaugnay nito ang kasaysayan ng lugar, kung saan naging malakas ang impluwensiya ng mga dayuhang Espanyol sa relihiyon at pulitika. Kaya naman, bunga nito ang simabahan ng Santa Monica sa parokya ng Panay. Itinayo ito noong taong 1884, sa mismong lugar kung saan itinayo ang isang naunang simbahan noong 1774 ngunit nasalanta ito ng bagyo. Ito ay may habang 70 metro, 25 m, ang lapad, at may taas na 18 m. Ang pader nito ay 3 metro ang kapal.

Image result for sta monica church panay capiz
simbahan ng Santa Monica
  Bukod sa sinaunang hitsura ng simbahan, hinahangaan din ang isa sa siyam na kampana nito. Bakit kamo? Ang kampanang tenor ng simbahan ng Santa Monica ay tinaguriang pinakamalaking kampana sa buong Asya. Ito ay may sukat na 7 talampakan ang diameter, 5 talampakan ang taas, at may bigat na higit 10 tonelada. Binuo ang kampanang ito gamit ang 70 sako ng baryang ginto at pilak na nanggaling din sa mamamayan ng Panay.

Image result for sta monica church panay capiz
ang pinakamalaking kampana sa buong Asya
  Isa pang simbahan na dapat bisitahin dito ay ang Immaculate Conception Metropolitan Cathedral sa Gomez st., Roxas City, na itinayo noong taong 1877. Sa harap nito ay ang Roxas City Grandstand at ang plaza.

Image result for immaculate conception cathedral capiz
Immaculate Conception Cathedral
  Kung mayroong Monte Cristo sa Rio di Janeiro sa Brazil, sa Capiz ay mayroon namang Medalla Milagrosa sa Agtalin Shrine sa Agtalin Hill, Barangay Dulangan, sa Pilar.
  Ang imahe ng Birheng Maria na ito ay may taas na 85 talampakan, na matatanaw mo mula sa Pilar Bay.
  Ito ay tinaguriang pinakamalaking imahe ng Birheng Maria sa buong Asya.

Image result for agtalin shrine pilar
Medalla Milagrosa
  Sa kasalukuyan ay dinadayo ito ng mga deboto tuwing unang Sabado ng buwan bilang panata sa Mahal na Ina. Inaakyat nila ang hagdanang mayroong 185 na hakbang papunta sa paanan ng imahe. Pinaniniwalaan nilang naghihimala ito, katulad ng paggaling ng mga may sakit. Ayon sa karamihan ay sadyang nakamamangha ang imaheng ito, kahit tanawin man sa malayo.
  


Talagang it's more fun in the captivating CAPIZ!

  Oo naman! Marami ka talagang matutuklasan sa nakamamanghang lugar ng Capiz. Kaya ano pa ang hinihintay nyo? Dali na sa CAPIZ!




  




7 komento:

  1. bakit tinaguriang seafood capital of the philippines ang capiz?

    TumugonBurahin
  2. Nice Article about Agtalin Shrine in Capiz! You might want to check this out?
    https://youtu.be/ddohMfzC31E to know more about Agtalin Shrine in Capiz.
    Dont forget to subscribe to the channel if you like our videos.

    TumugonBurahin
  3. Casino News
    Casino News 포커 족보 - We've got the latest updates every day with exciting casino 썬시티 news, mrsabryamin.com videos, photos, and more. 해외 토토 배당 Join Now 러시안 룰렛 가사 and Earn CASH! Start Saving Today!

    TumugonBurahin
  4. Borgata Hotel Casino & Spa - JSH Hub
    Find 경상북도 출장마사지 rooms from $69 의왕 출장안마 for Atlantic City, NJ from $139 at Borgata Hotel Casino 제주 출장샵 & Spa, the largest hotel in New Jersey. Book your stay 동두천 출장안마 now! 안산 출장마사지

    TumugonBurahin
  5. Inside the booming 'online gaming industry': Playtech slots - Filmfile
    Inside the booming 'online gaming industry': Playtech slots 마기 - Filmfile in 승무패 the booming 'online gaming industry': Playtech slots - 스포츠토토배당률보기 Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - 먹튀 검증 소 Filmfile - 메이저 놀이터 목록 Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile - Filmfile.

    TumugonBurahin
  6. A Complete Guide on How to Play Slingo With Monkey's Fortune
    Slingo is a bingo 카지노사이트 game that's designed to take players on a gambling trip that involves casinosites winning. Players are encouraged to play this game

    TumugonBurahin