Mas Masadya sa Captivating Capiz!
Halina't bisitahin ang isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas, ang probinsya ng Capiz!
↣Saan ba matatagpuan ang Capiz?
Ang Capiz ay isang unang klaseng lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Lungsod ng Roxas ang kabisera nito at matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng pulo ng Panay at pinapaligiran ng Aklan at Antique sa kanluran, at Iloilo sa timog. Nakaharap ang Capiz sa Dagat Sibuyan sa hilaga.
Binubuo ito ng 16 na munisipalidad, 473 na barangay, at dalawang distrito.
Ayon sa kasaysayan, ang Isla ng Panay ang pangalawang lugar na narating ng mga dayuhang Espanyol dito sa Pilipinas, noong taong 1566, pagkatapos nilang marating ang Cebu. Una nilang narating dito ang Ilog Banica. Sinasabing dati itong pinamumugaran ng mga buwaya. Tinawag naman itong "Panay" ng mga dayuhang Espanyol, na ang ibig sabihin ay "bunganga ng ilog".
↣Bakit tinawag na Capiz?
Ang pangalang "Capiz" ay hango sa salitang "Kapris" na tumutukoy sa natatanging uri ng oyster shell na matatgpuan dito. Dahil sa kakaibang katangian ng balat, ang Capiz shells ay ginagamit sa paggawa ng bintana, at iba pang klaseng palamuti sa bahay. Ginangawa din tiong palamuti sa katawan. Ginagamit din itong materyales sa paggawa ng parol. Ang mga produktong ito ay tanyag, di lamang sa bansa, kundi sa iba pang panig ng mundo.
Ito ang isang larawan ng bintanang gawa sa Capiz shells |
↣Anong masarap na pagkain dito?
Sikat ang Capiz dahil binansagan itong Seafood Capital of the Philippines. Pinatutunayan ito ng samo't saring pagkaing-dagat na karamihan ay dito lamang matitikman. Kaya naman ito ay pang-15 sa listahan ng mga lugar sa Pilipinas na pinakamadalas bisitahin ng mga turista.
Sa Baybay Beach sa Roxas City, matatagpuan ang People's Park Plaza, kung saan sikat ang kasabihang "Turo mo, luto ko." Lulutuin ang pagkaing nais mo, mismo sa harap mo. Mayroong pitong kainan na nakahilera dito.
Garantisadong masarap ang pagkaing-dagat dito dahil ito ay laging sariwa. Bukod pa diyan, makakapag-food trip ka dito sa abot-kayang halaga.
Seafood Court |
ilan sa mga matitikmang pagkain dito |
diwal |
Ilan sa mga sikat ditong kainan ay ang San Antonio Beach Resort, Marc's, Panulce Bakeshop, Tracy's Bakeshop, RML Manukan House, Nesta's, Dragon Palace, at Pizza Junction. Sa mga kainang ito ay hindi lang pagkaing-dagat ang matitikman, kundi ay masarap na barbekyu, pizza, at iba't ibang klaseng panghimagas. Dito rin nanggaling ang tanyag sa buong bansa na Mang Inasal.
↣Meron bang magagandang tanawin dito?
Siyempre!
Habang nagfu-food trip ay mapagmamasdan mo napakagandang Baybay Beach. Asul na tubig, kulay-abong buhangin, at matatanaw ang Isla ng Sibuyan.
Baybay Beach |
Isa din sa mga likas na tanawing dinadayo ng mga turista dito sa Capiz ay ang Suhot Cave at Natural Spring Resort sa Barangay Dolores sa Dumalag, at ang Hinulugan Falls sa Barangay Tabun-acan sa Pilar.
papasok sa Suhot Cave |
Hinulugan Falls |
↣ Ano pa ang mga di dapat palampasin sa Capiz?
Marami pa!
Bukod sa kilala ito sa likas na yaman tulad ng mga lamang dagat, kilala din ang Capiz sa mga makasaysayang lugar dito. Ito ay higit rin na dinadayo ng mga debotong Katoliko.
Kaugnay nito ang kasaysayan ng lugar, kung saan naging malakas ang impluwensiya ng mga dayuhang Espanyol sa relihiyon at pulitika. Kaya naman, bunga nito ang simabahan ng Santa Monica sa parokya ng Panay. Itinayo ito noong taong 1884, sa mismong lugar kung saan itinayo ang isang naunang simbahan noong 1774 ngunit nasalanta ito ng bagyo. Ito ay may habang 70 metro, 25 m, ang lapad, at may taas na 18 m. Ang pader nito ay 3 metro ang kapal.
simbahan ng Santa Monica |
ang pinakamalaking kampana sa buong Asya |
Immaculate Conception Cathedral |
Ang imahe ng Birheng Maria na ito ay may taas na 85 talampakan, na matatanaw mo mula sa Pilar Bay.
Ito ay tinaguriang pinakamalaking imahe ng Birheng Maria sa buong Asya.
Medalla Milagrosa |